Friday, June 1, 2012



Aminah: O Monesa, parang sambakol yang mukha mo. Sino ba ang kaaway mo, ha?

Monesa: Sino pa? Di yang ninjang kapitbahay natin. Kung magsalita akala mo perpekto, hmp!


Aminah: Hmmmm ano na naman kaya ang ginawa mo?


Monesa: Ano ka ba? Kung magsalita ka, parang ako na palagi ang mali at sya ang tama.


Aminah: Aber, sabihin mo nga ang nangyari?


Monesa: Aba`y pangaralan ba naman ako tungkol sa boyfriend ko? Hindi daw para sa Muslim ang magligawan at lalong hindi daw pwede ang mag kasintahan. Sino ba sa mundong ito ang walang kasintahan, ha? Siguro yong mga pangit na tulad mo, hindi nakakapagtataka!

Aminah: Tama sya at mali ka, sisterhood. Hindi po ako pangit dahil ang may gawa sa akin ay hindi pangit.(Naka ngiting sagot ni Aminah.)

Monesa: If I know, yang matanda na bestfriend mo ay may nakaraan din. Hmp.

Aminah: Ipagpalagay na nating may MALAGIM nga syang nakaraan, tulad ng ginagawa mo ngayon. Mas maswerte pa rin sya kaysa iyo dahil sya ay nagising sa katotohanan at ikaw ay kasalukuyang nalulunod sa kasalanan.

Monesa: Ibahin mo kami ng boyfriend ko. Mataas ang eeman nya at marami syang alam sa Islam. Hindi namin ginagawa ang mga ginagawa ng mga ibang magkasintahan dahil may takot din kami sa Allah.

Aminah: Ganuon?? Hindi ba kayo nag-uusap ?

Monesa: Syempre nag-uusap. May magkasintahan bang hindi nag-uusap?

Aminah: Yan ang puntos ko, kaya hindi mo masabing naiiba kayo sa iba.

Monesa: Ano ka ba, ang gulo mong kausap!

Aminah: Monesa, kung mataas ang eeman nya hindi nya sasalungatin ang kautusan ng Allah. Kung marami syang alam tungkol sa Islam, am sure alam din nyang ipinag babawal ng Allah ang daan tungo sa pangangalunya.

Monesa: Naku naman Aminah. Wala kaming ginagawang masama para pagsabihan mo sya ng ganyan.

Aminah: Hindi ba at ang lahat ng masama ay yong ipinagbawal ng Allah at lahat ng mabuti ay yong ipinag utos Nya?

Monesa: Aminah, ibahin mo kami sa mga nagkakasintahan dahil meroon kaming respeto sa bawat isa.

Aminah: Hmmmm…kung me respeto kayo sa bawat isa, pakasal na lamang kayo para halal ang ugnayan ninyo.

Monesa: Hindi pa nya ako inaalok ng kasal at ang sagwa naman kung ako na ang kusang magyayaya.

Aminah: Mas masagwa ang turing nya sa iyo ngayon. Monesa kung talagang mahal ka at nererespeto ng mokong na yan, kasal na agad ang iaalok sa iyo at hindi relasyon na haram. Sana magising ka na sa kabaliwan mo bago pa man masira ng tuluyan ang buhay mo.

Sa mga tinatamaan, mag isip-isip na rin kayo bago pa man tuluyan kayong iwan ng Allah.

Quran 14:27 "…but Allah will leave, to stray, those who do wrong: Allah doeth what He willeth."
— with Jeehanna Panda and 49 others.



Si Monesa ay may kausap sa kabilang linya:

Monesa: Hello Honey, kumain ka na?.....Matolog ka ng maaga, ha? Huwag mong pababayaan ang sarili mo, bawal ang magkasakit. Ang mahal pa naman ng gamut hahhaha….ok…bye. Mmmwah!


Aminah: Sino yang kausap mo, sis? Parang napaka maalalahanin mo naman hehehe.


Monesa: Sino pa di ang boyfriend ko! (Inis na sagot ni Monesa)


Aminah: Pa honey-honey ka pa. Sigurado ka bang sya ang makakatuluyan mo?


Monesa: Am positive!

Aminah: Paano ka nakakasiguro? Wala atang nakaka alam ng future.....

Ilang saglit ding hindi umimik si Monesa, waring nag-iisip..

Aminah: Matanong kita Monesa, If ever na hindi mo yan makakatuluyan, ano naman kayang endearment ang itatawag mo kay Mister No. 2, Love? How about darling..Nakakaloka ang kalagayan mo, sis.

Monesa: Ano ka ba, Aminah? Nang aasar ka ba?

Aminah: Hindi, sinasabi ko lang ang maaring mangyari. Hindi mo ba naisip, maaring hindi yan ang kapalaran mo, paano na lang ang nakaraan ninyo? Ang sagwa, no?

Kayo, naisip rin kaya ninyo ang posibilidad na ang taong ipinag laban ninyo ay hindi ninyo makakatuluyan?

Paano na lang ang mga sakripisyo ninyo?

Monday, February 27, 2012

SEEKING KNOWLEDGE





QURAN 6:125 "And whosoever Allah wills to guide, He opens his breast to Islam, and whosoever He wills to send astray, He makes his breast closed and constricted, as if he is climbing up to the sky. Thus Allah puts the wrath on those who believe not."

This constriction does not indicate about slowness in grasping knowledge - this constriction is about being reluctant to learn and reluctant to adhere to the Commands of Allah



Manner in Supplicating....

"People should avoid lifting their eyes towards the sky while supplicating in prayer, otherwise their eyes would be snatched away."
 
Sahih Muslim Book 4 Hadith 863




We fear Death but we do not Fear our sins....

Many among us who fear more death than their sins. Because of this intense fear, many have done more drastic deeds that will lead them to a total destruction in akheerah.

Dont we know that we only experience death once but the punishment of our sins will be inflicted on us many times than ONCE?


"Those who reject our signs, We shall soon cast into the Fire; As often as their skins are roasted through, We shall change them for fresh skins, that they may taste the penalty: for Allah Is Exalted in Power, Wise"  [Al-Qur’an 4:56]  

PAALALA SA AKIN AT SA INYONG LAHAT......

Quran 4:78 "Wherever ye are, death will find you out, even if ye are in towers built up strong and high!"

Napatunayan na natin itong salita ng Allah hindi lang isang beses kundi a million times. Sino ba ang hindi namamatay? Kahit ang pinaka malakas na tao dito sa mundo o pinka makadiyos na nilalang dito sa mundo ay namatay rin. Bakit hindi natin naisip na kung kahit ang mga Prophets ay namatay rin, tayo pa kaya??

Patuloy tayo sa ating mga ginagawa, hindi natin iniisip kung ito ba ay ka-aya-aya sa mata ng Allah. Ang tanging nasa isipan natin ay kung ang ating mga ginagawa ay mabuti sa mata ng tao. Ating pakaka-isipin na ang buhay ng tao ay panandalian lamang at ito ay handog hindi sa tao kundi sa Allah...


Quran 49:13 "Verily the most honoured of you in the sight of God is (he who is) the most righteous of you. And God has full knowledge and is well acquainted (with all things)."

Atin pong ituro sa ating sarili at sa ating pamilya ang salita ng Allah. Atin po silang turuan, pati na ang ating mga sarili, sa pagsambah sa Kanya dahil sa kabilang buhay, yon lamang ang tanging makakatulong sa atin, hindi ang ating kayamanan o kasikatan.

JazakAllah khair,