Aminah: O Monesa, parang sambakol yang mukha mo. Sino ba ang kaaway mo, ha?
Monesa: Sino pa? Di yang ninjang kapitbahay natin. Kung magsalita akala mo perpekto, hmp!
Aminah: Hmmmm ano na naman kaya ang ginawa mo?
Monesa: Ano ka ba? Kung magsalita ka, parang ako na palagi ang mali at sya ang tama.
Aminah: Aber, sabihin mo nga ang nangyari?
Monesa: Aba`y pangaralan ba naman ako tungkol sa boyfriend ko? Hindi daw para sa Muslim ang magligawan at lalong hindi daw pwede ang mag kasintahan. Sino ba sa mundong ito ang walang kasintahan, ha? Siguro yong mga pangit na tulad mo, hindi nakakapagtataka!
Aminah: Tama sya at mali ka, sisterhood. Hindi po ako pangit dahil ang may gawa sa akin ay hindi pangit.(Naka ngiting sagot ni Aminah.)
Monesa: If I know, yang matanda na bestfriend mo ay may nakaraan din. Hmp.
Aminah: Ipagpalagay na nating may MALAGIM nga syang nakaraan, tulad ng ginagawa mo ngayon. Mas maswerte pa rin sya kaysa iyo dahil sya ay nagising sa katotohanan at ikaw ay kasalukuyang nalulunod sa kasalanan.
Monesa: Ibahin mo kami ng boyfriend ko. Mataas ang eeman nya at marami syang alam sa Islam. Hindi namin ginagawa ang mga ginagawa ng mga ibang magkasintahan dahil may takot din kami sa Allah.
Aminah: Ganuon?? Hindi ba kayo nag-uusap ?
Monesa: Syempre nag-uusap. May magkasintahan bang hindi nag-uusap?
Aminah: Yan ang puntos ko, kaya hindi mo masabing naiiba kayo sa iba.
Monesa: Ano ka ba, ang gulo mong kausap!
Aminah: Monesa, kung mataas ang eeman nya hindi nya sasalungatin ang kautusan ng Allah. Kung marami syang alam tungkol sa Islam, am sure alam din nyang ipinag babawal ng Allah ang daan tungo sa pangangalunya.
Monesa: Naku naman Aminah. Wala kaming ginagawang masama para pagsabihan mo sya ng ganyan.
Aminah: Hindi ba at ang lahat ng masama ay yong ipinagbawal ng Allah at lahat ng mabuti ay yong ipinag utos Nya?
Monesa: Aminah, ibahin mo kami sa mga nagkakasintahan dahil meroon kaming respeto sa bawat isa.
Aminah: Hmmmm…kung me respeto kayo sa bawat isa, pakasal na lamang kayo para halal ang ugnayan ninyo.
Monesa: Hindi pa nya ako inaalok ng kasal at ang sagwa naman kung ako na ang kusang magyayaya.
Aminah: Mas masagwa ang turing nya sa iyo ngayon. Monesa kung talagang mahal ka at nererespeto ng mokong na yan, kasal na agad ang iaalok sa iyo at hindi relasyon na haram. Sana magising ka na sa kabaliwan mo bago pa man masira ng tuluyan ang buhay mo.
Sa mga tinatamaan, mag isip-isip na rin kayo bago pa man tuluyan kayong iwan ng Allah.
Quran 14:27 "…but Allah will leave, to stray, those who do wrong: Allah doeth what He willeth."
— with Jeehanna Panda and 49 others.Monesa: Sino pa? Di yang ninjang kapitbahay natin. Kung magsalita akala mo perpekto, hmp!

No comments:
Post a Comment