| Monesa: | “Naku, nakakapagud!.” 
 | 
   | Aminah: | “Saan ka naman   napagud?” 
 | 
   | Monesa: | “hay naku! Sa mga tao   na akala mo mga santa kung magsalita!” 
 | 
   | Aminah: | “Sino na naman ba   yang pinaparinggan mo, ha?” 
 | 
   | Monesa: | “Yong matandang babae   sa masjeed. Puro hijab na lang ang kanyang bukang bibig.” 
 | 
   | Aminah: | “Oh, hijab and music!   The mother of all topics!” 
 | 
   | Monesa: | “Yeah! I listen to   music without hijab… haha!” 
 | 
   | Aminah: | “Siguro concern lang   yong matanda sa iyo kaya pinapa alalahanan ka nya.” 
 | 
   | Monesa: | “Hindi ko kailangan   ang pagpapa-alala nya. Alam ko ang aking ginagawa. Napaka- pakialamera   talaga?” 
 | 
   | Aminah: | “Siguro hindi lang   kayo nagkaka-intindihan. Nagmamalasakit lang siguro yong tao.” 
 | 
   | Monesa: | “Huwag na lang sana   nya ako pakialaman, yon ang gusto ko…” 
 | 
   | Aminah: | “Pero sis, kelangan   sa ating mga Muslim ang mag paalala sa kapwa upang ating maituwid an gating   landas.” 
 | 
   | Monesa: | “Huh?? lalo lamang   nya pinapalala ang sitwasyon.. Ano ba ang ibig mong sabihin “pagtutuwid ng   landas”? Matuwid naman ang landas ko ah?” 
 | 
   | Aminah: | “Well, ang hindi   pagtatakip ng buhok e.i. wearing hijab, ay isang dahilan kung bakit tayo ay   napapariwara.” 
 | 
   | Monesa: | “Hmp, sino naman ang nagsabi   sa iyo?” 
 | 
   | Aminah: | “Hindi ba nasa Quran   ang kautusan na yan??” 
 | 
   | Monesa: | “Yup, pero hindi   naman yon mabigat na kasalanan, ah. Pagtulong sa kapwa at pag pray ang mas   importante kaysa pag gamit ng hijab.” 
 | 
   | Aminah: | “Tama, pero simulain   ng lahat ng Gawain ay sa maliit. Kadalasan ang maliit na bagay ang syang   nakakapuwing, di ba?” 
 | 
   | Monesa: | “Hindi naman ganuon   ka importante kung ano ang aking isusuot na dapat akong ma “puwing”!! Ang   importante ay may maganda akong saloobin.” 
 | 
   | Aminah: | “Hindi importante   kung ano ang iyong suot?” 
 | 
   | Monesa: | “Yup, me angal ka   ba?” 
 | 
   | Aminah: | “Wala naman pero kung   TALAGANG hindi importante sa iyo kung ano ang iyong isusuot, bakit inaabot ka   ng isang oras at mahigit sa pagbihis lang??” 
 | 
   | Monesa: | “Ano ba ang gusto   mong tukuyin, ha?” 
 | 
   | Aminah: | “Gumagasto ka ng   malaking pera para lang sa make-up mo, cream mo at marami pang bubuwit jan.   Kahit nga lang sa pag suklay inaabot ka na ng siyam-siyam. Di ba importante   yon?” 
 | 
   | Monesa: “ | So?” 
 | 
   | Aminah: | “So, kung ano man ang   ayos mo, e.i. pananamit ay mahalaga.” 
 | 
   | Monesa: | “Hindi yan ang   tinutukoy ko, no! Ang sabi ko pag gamit ko ng hijab ay HINDI importante sa   ating relihiyon!” 
 | 
   | Aminah: | “Hmm kung hindi   importante ang pag gamit ng Hijab sa ating relihiyon, bakit binanggit ito ng   Allah sa Quran?” 
 | 
   | Monesa: | “Naku, hindi naman   lahat ng nakasaad sa Quran eh dapat nating gawin, ‘no!” 
 | 
   | Aminah: | “Ang ibig mo bang   sabihin kahit ipinag-utos ng Allah ay OK lang kung ito ay hindi gawin?” 
 | 
   | Monesa: | “Ang Allah ay mapag-patawad..   di tulad ng tao, mapang husga!” 
 | 
   | Aminah: | “Alam mo, ang Allah   ay nagpapatawad sa mga taong marunong humingi ng kapatawaran at handang   mag-bago. Hindi sa mga taong pilosopo.” 
 | 
   | Monesa: | “Huh, saan mo naman   nasagap yan?” 
 | 
   | Aminah: | “Saan pa eh di sa   Quran…” 
 | 
   | Monesa: | “Sabihin mo na ang   gusto mong sabihin. Basta ayaw ko mag hijab. Hindi ako maka kilos ng maganda   para akong nakatali, walang kalayaan!” 
 | 
   | Aminah: | “Bakit, hindi kaba   nakatali sa mga lotion mo? Paano ang pag gamit mo ng lipsticks, mascara at   kung ano-ano pa?! Ano ba ang ibig sabihin ng KALAYAAN sa iyo, ha??” 
 | 
   | Monesa: | “Kalayaang gawin ang   gusto kong gawin!” 
 | 
   | Aminah: | “Nope. Kalayaan ay   ang gumawa ng tama at hindi ang magpabilanggo sa ating pagnanasa.” 
 | 
   | Monesa: | “Look! Marami na   akong nakilalang mga tao na naka hijab nga pero ang sungit naman tulad nuong   matanda sa Masjeed. Mas mabait pa ang mga taong hindi naka NINJA. Mas tunay   na tao!” 
 | 
   | Aminah: | “Sabagay, marami   naman jan mga mababait kahit na sila ay lasenggo….hmmm ibig ba sabihin nito,   kelangan nating maging masama upang maging mabuti!” 
 | 
   | Monesa: | “Naku ha, ayoko   maging extremist o di kaya eh fanatic. I’m OK the way I am without hijab.” 
 | 
   | Aminah: | “Hindi mo ba alam sa   pananalita mo pa lamang eh bulag kana sa katotohanan?” 
 | 
   | Monesa: | “Hindi mo kase ako   naiintindihan eh! Sa tingin mo ba may mag-aasawa pa sa akin kung magmukha   akong madre?!” 
 | 
   | Aminah: | “Lahat ba na nakilala   mong naka-hijab eh matatandang dalaga? Iyong matandang babae na kinamumuhian   mo me asawa’t anak naman yon, ah?!” 
 | 
   | Monesa: | “Okay! Sabihin na   lang natin na nakapag-asawa nga ako. Paano kung ayaw ng asawa ko ang babaeng   mukhang promdi?” | 
   | Aminah: | “Hmmmm ano kaya’t   kayagin ka ng asawa mong mag nakaw, sasama ka rin kaya?!” 
 | 
   | Monesa: | “Hindi no’. Kahit ang   liit ng tingin mo sa akin, alam ko naman na ang pagnanakaw ay masama.” 
 | 
   | Aminah: | “Ang pagiging suwail   sa Allah ba ay hindi masama??” 
 | 
   | Monesa: | “Bakit ba kelangan   pag-awayan natin ang tungkol sa relihiyon dahil lang sa hijab, ha?” 
 | 
   | Aminah: | “Bakit ba nakasalalay   ang pagkababae mo sa high heals, lipstick at make-up, ‘ha?” 
 
 | 
   | Monesa: | “Hindi mo sinagot ang   tanong ko!” 
 | 
   | Aminah: | “Sa totoo lang,   nasagot ko na. Ang hijab ay hindi basta-basta tela lang. ito ay sagisag ng   ating pagiging masunurin sa kautusan ng Allah..Ito ay ating proteksyon sa mga   malalaswang mata ng mga kalalakihan. Naisip mo ba kung ano ang maaring   magyari sa pagsusuot mo ng short sleeves, tight pants…?” 
 | 
   | Monesa: | “Nakuuuuuuuu!   Talagang ang Maria Clara ng aming pamilya! Ang tawag po jan ay   ‘fashion’…besides, ang hijab ay tanikala ng mga lalaki upang kanilang   makontrol ang mga babae..ayoko ang walang kalayaan.” 
 | 
   | Aminah: | “Ganoon? Sa tingin mo   ang “fashion” ay hindi gawa ng mga kalalakihan?? Sa totoo lamang sister, kung   sino man ang sumusunod sa “fashion” ay syang bilanggo sa kalaswaan ng mga   kalalakihan!” 
 | 
   | Monesa: | “Naku, mali ka jan. I   wear what I want, I do what I want. Wala akong pakialam kung ano ang   sasabihin ng tao. Yan ang kalayaan na tinutukoy ko!” 
 | 
   | Aminah: | “Hindi ba ang   “fashion” na nakikita sa TV at Magazines ay ihemplo ng mundo ng mga   kalalakihan? Gusto ka nilang mag hubad at ang kagustuhan nilang ito ay   idinadaan sa ngalan ng “fashion”..ang pag-sunod ay katumbas na rin ng   pagiging bilanggo sa lahat ng kanilang kagustuhan?” 
 | 
   | Monesa: | “Nope, kagustuhan ko   kung ano sa mga fashion ngayon ang pipiliin ko.” 
 [Silence] 
 | 
   | Aminah: | “Ang hijab ay bukod   tanging “fashion” sa mundo na walang impluwensa ang tao...” 
 | 
   | Monesa: | “Ano ang ibig mong   sabihin?” 
 | 
   | Aminah: | “Ang hijab ay hindi   iniutos ng tao, dahil ito ay kautusan ng Allah. Ang hijab ay hindi na   kakailanganin ang marami pang palamuti, madaling isuot at hindi pa mabigat sa   bulsa.” 
 | 
   | Monesa: | “Kung magsalita ka   parang free ang hijab…hindi ba binibili rin ito? Doh…?!” 
 | 
   | Aminah: | “Oo naman…binibili   rin ito pero hindi tulad ng “fashion” na kung saan ang mga kalalakihan ang   nagdidikta sa iyo.” 
 | 
   | Monesa: | “Hay naku, huwag na   nating pag talunan ang hijab. Kahit ano pa ang sasabihin mo AYOKONG MAG   HIJAB! Period!!” 
 | 
   | Aminah: | “Fine. Sabihin mo yan   sa Allah sa Judgment Day.” 
 | 
   | Monesa: | “Fine.” 
 | 
   | Aminah: | “Fine.” 
 
 [Silence] |