Monesa: | “Naku, nakakapagud!.” |
Aminah: | “Saan ka naman napagud?” |
Monesa: | “hay naku! Sa mga tao na akala mo mga santa kung magsalita!” |
Aminah: | “Sino na naman ba yang pinaparinggan mo, ha?” |
Monesa: | “Yong matandang babae sa masjeed. Puro hijab na lang ang kanyang bukang bibig.” |
Aminah: | “Oh, hijab and music! The mother of all topics!” |
Monesa: | “Yeah! I listen to music without hijab… haha!” |
Aminah: | “Siguro concern lang yong matanda sa iyo kaya pinapa alalahanan ka nya.” |
Monesa: | “Hindi ko kailangan ang pagpapa-alala nya. Alam ko ang aking ginagawa. Napaka- pakialamera talaga?” |
Aminah: | “Siguro hindi lang kayo nagkaka-intindihan. Nagmamalasakit lang siguro yong tao.” |
Monesa: | “Huwag na lang sana nya ako pakialaman, yon ang gusto ko…” |
Aminah: | “Pero sis, kelangan sa ating mga Muslim ang mag paalala sa kapwa upang ating maituwid an gating landas.” |
Monesa: | “Huh?? lalo lamang nya pinapalala ang sitwasyon.. Ano ba ang ibig mong sabihin “pagtutuwid ng landas”? Matuwid naman ang landas ko ah?” |
Aminah: | “Well, ang hindi pagtatakip ng buhok e.i. wearing hijab, ay isang dahilan kung bakit tayo ay napapariwara.” |
Monesa: | “Hmp, sino naman ang nagsabi sa iyo?” |
Aminah: | “Hindi ba nasa Quran ang kautusan na yan??” |
Monesa: | “Yup, pero hindi naman yon mabigat na kasalanan, ah. Pagtulong sa kapwa at pag pray ang mas importante kaysa pag gamit ng hijab.” |
Aminah: | “Tama, pero simulain ng lahat ng Gawain ay sa maliit. Kadalasan ang maliit na bagay ang syang nakakapuwing, di ba?” |
Monesa: | “Hindi naman ganuon ka importante kung ano ang aking isusuot na dapat akong ma “puwing”!! Ang importante ay may maganda akong saloobin.” |
Aminah: | “Hindi importante kung ano ang iyong suot?” |
Monesa: | “Yup, me angal ka ba?” |
Aminah: | “Wala naman pero kung TALAGANG hindi importante sa iyo kung ano ang iyong isusuot, bakit inaabot ka ng isang oras at mahigit sa pagbihis lang??” |
Monesa: | “Ano ba ang gusto mong tukuyin, ha?” |
Aminah: | “Gumagasto ka ng malaking pera para lang sa make-up mo, cream mo at marami pang bubuwit jan. Kahit nga lang sa pag suklay inaabot ka na ng siyam-siyam. Di ba importante yon?” |
Monesa: “ | So?” |
Aminah: | “So, kung ano man ang ayos mo, e.i. pananamit ay mahalaga.” |
Monesa: | “Hindi yan ang tinutukoy ko, no! Ang sabi ko pag gamit ko ng hijab ay HINDI importante sa ating relihiyon!” |
Aminah: | “Hmm kung hindi importante ang pag gamit ng Hijab sa ating relihiyon, bakit binanggit ito ng Allah sa Quran?” |
Monesa: | “Naku, hindi naman lahat ng nakasaad sa Quran eh dapat nating gawin, ‘no!” |
Aminah: | “Ang ibig mo bang sabihin kahit ipinag-utos ng Allah ay OK lang kung ito ay hindi gawin?” |
Monesa: | “Ang Allah ay mapag-patawad.. di tulad ng tao, mapang husga!” |
Aminah: | “Alam mo, ang Allah ay nagpapatawad sa mga taong marunong humingi ng kapatawaran at handang mag-bago. Hindi sa mga taong pilosopo.” |
Monesa: | “Huh, saan mo naman nasagap yan?” |
Aminah: | “Saan pa eh di sa Quran…” |
Monesa: | “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Basta ayaw ko mag hijab. Hindi ako maka kilos ng maganda para akong nakatali, walang kalayaan!” |
Aminah: | “Bakit, hindi kaba nakatali sa mga lotion mo? Paano ang pag gamit mo ng lipsticks, mascara at kung ano-ano pa?! Ano ba ang ibig sabihin ng KALAYAAN sa iyo, ha??” |
Monesa: | “Kalayaang gawin ang gusto kong gawin!” |
Aminah: | “Nope. Kalayaan ay ang gumawa ng tama at hindi ang magpabilanggo sa ating pagnanasa.” |
Monesa: | “Look! Marami na akong nakilalang mga tao na naka hijab nga pero ang sungit naman tulad nuong matanda sa Masjeed. Mas mabait pa ang mga taong hindi naka NINJA. Mas tunay na tao!” |
Aminah: | “Sabagay, marami naman jan mga mababait kahit na sila ay lasenggo….hmmm ibig ba sabihin nito, kelangan nating maging masama upang maging mabuti!” |
Monesa: | “Naku ha, ayoko maging extremist o di kaya eh fanatic. I’m OK the way I am without hijab.” |
Aminah: | “Hindi mo ba alam sa pananalita mo pa lamang eh bulag kana sa katotohanan?” |
Monesa: | “Hindi mo kase ako naiintindihan eh! Sa tingin mo ba may mag-aasawa pa sa akin kung magmukha akong madre?!” |
Aminah: | “Lahat ba na nakilala mong naka-hijab eh matatandang dalaga? Iyong matandang babae na kinamumuhian mo me asawa’t anak naman yon, ah?!” |
Monesa: | “Okay! Sabihin na lang natin na nakapag-asawa nga ako. Paano kung ayaw ng asawa ko ang babaeng mukhang promdi?” |
Aminah: | “Hmmmm ano kaya’t kayagin ka ng asawa mong mag nakaw, sasama ka rin kaya?!” |
Monesa: | “Hindi no’. Kahit ang liit ng tingin mo sa akin, alam ko naman na ang pagnanakaw ay masama.” |
Aminah: | “Ang pagiging suwail sa Allah ba ay hindi masama??” |
Monesa: | “Bakit ba kelangan pag-awayan natin ang tungkol sa relihiyon dahil lang sa hijab, ha?” |
Aminah: | “Bakit ba nakasalalay ang pagkababae mo sa high heals, lipstick at make-up, ‘ha?” |
Monesa: | “Hindi mo sinagot ang tanong ko!” |
Aminah: | “Sa totoo lang, nasagot ko na. Ang hijab ay hindi basta-basta tela lang. ito ay sagisag ng ating pagiging masunurin sa kautusan ng Allah..Ito ay ating proteksyon sa mga malalaswang mata ng mga kalalakihan. Naisip mo ba kung ano ang maaring magyari sa pagsusuot mo ng short sleeves, tight pants…?” |
Monesa: | “Nakuuuuuuuu! Talagang ang Maria Clara ng aming pamilya! Ang tawag po jan ay ‘fashion’…besides, ang hijab ay tanikala ng mga lalaki upang kanilang makontrol ang mga babae..ayoko ang walang kalayaan.” |
Aminah: | “Ganoon? Sa tingin mo ang “fashion” ay hindi gawa ng mga kalalakihan?? Sa totoo lamang sister, kung sino man ang sumusunod sa “fashion” ay syang bilanggo sa kalaswaan ng mga kalalakihan!” |
Monesa: | “Naku, mali ka jan. I wear what I want, I do what I want. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng tao. Yan ang kalayaan na tinutukoy ko!” |
Aminah: | “Hindi ba ang “fashion” na nakikita sa TV at Magazines ay ihemplo ng mundo ng mga kalalakihan? Gusto ka nilang mag hubad at ang kagustuhan nilang ito ay idinadaan sa ngalan ng “fashion”..ang pag-sunod ay katumbas na rin ng pagiging bilanggo sa lahat ng kanilang kagustuhan?” |
Monesa: | “Nope, kagustuhan ko kung ano sa mga fashion ngayon ang pipiliin ko.” [Silence] |
Aminah: | “Ang hijab ay bukod tanging “fashion” sa mundo na walang impluwensa ang tao...” |
Monesa: | “Ano ang ibig mong sabihin?” |
Aminah: | “Ang hijab ay hindi iniutos ng tao, dahil ito ay kautusan ng Allah. Ang hijab ay hindi na kakailanganin ang marami pang palamuti, madaling isuot at hindi pa mabigat sa bulsa.” |
Monesa: | “Kung magsalita ka parang free ang hijab…hindi ba binibili rin ito? Doh…?!” |
Aminah: | “Oo naman…binibili rin ito pero hindi tulad ng “fashion” na kung saan ang mga kalalakihan ang nagdidikta sa iyo.” |
Monesa: | “Hay naku, huwag na nating pag talunan ang hijab. Kahit ano pa ang sasabihin mo AYOKONG MAG HIJAB! Period!!” |
Aminah: | “Fine. Sabihin mo yan sa Allah sa Judgment Day.” |
Monesa: | “Fine.” |
Aminah: | “Fine.” [Silence] |
Humarap si Monesa sa salamin, pagud na sa pakikipag talu tungkol sa hijab..hijab..hijab..hijab…kelan kaya ito matatapus??? PHEW!
Ngunit hindi sya mapalagay, binabagabag din sya ng kanyang konsensya…ilan kaya sa atin ang may ganitong paniniwala?
“And he (/she) is indeed a failure who corrupts it [the soul]!” [Quran 91:10]
No comments:
Post a Comment