Friday, October 14, 2011

HIJAB AY KORONA NG ISANG BABAE



Ang hijab ay korona ng isang babaeng Muslim.
Inatang sa kanyang ulo ng Allah  mula sa banal na Quran
Sagisag ng kalinisan at banal na paniniwala

Siya ay isang reyna na karapat-dapat na irespeto.
Ipagtanggol kung siya ay inaabuso
At hindi pinapabayaang paglaruan ng mga tao

Ang isang Reyna ay mayumi at mahinhin
Katangi-tanging asal ng babaeng dakila
At ito ay nakikita sa kanyang kilos at pananalita.

Kung tayo ay isang tunay na Muslimah
Ating paka-iingatan ang korona sa ati’y ibinigay
Tayo nang kumilos naayon sa kanyang sagisag
.

No comments:

Post a Comment